Cliche cliche
Ang daming mga bagay sa paligid natin na parang ulit ulit nalang, pero ginagawa pa din. Parang sa mga teleserye, o kaya sa mga pelikula. Ulit ulit nalang na, yung mahirap sa umpisa, yayaman sa ending. O kaya naman, yung mapang-aping mayaman sa umpisa, kung hindi makukulong, maghihirap sa huli. Lahat nalang ganon. Pati yung mga pulis na dadating kung kailan tapos na ang away. Diba parang ulit ulit nalang lagi? Sa lahat nalang may ganon, di nawawala. Di kaya sila aware na ulit ulit na? O sinasadya nila?
Madalas nating naririnig yung mga salitang "it may sound cliche" saka yung "cliche it may look like". Alam na pala nilang cliche na. Pero ginagawa padin. Siguro akala nila bebenta padin kung ganon nanaman. Kasi bumenta yung dati eh, syempre bebenta din yun ngayon. Siguro akala nila, natutuwa pa yung mga manonood na yung mga nakita nila dati, makikita ulit nila ngayon. Akala lang nila yon. Ibang panahon na ngayon. At di na nakakatuwa yung mga ganon. Nakakainis na. Kasi lahat naman tayo, we are capable of doing new things. New. Unique. One of a kind. Lahat tayo kaya natin, sigurado ako doon. Kasi lahat naman tayo may mga utak na kayang mag isip ng bago lagi. Na kayang paangatin ang isang bagay sa iba. Pero parang di pa tayo confident na gumawa ng isa. Parang mas nangingibabaw yung doubts. Pinangungunahan ng takot. Ng what ifs. Kung laging ganoon lang yung mangyayari, wala talagang mapapala. Lagi nalang paulit ulit yung mapapanood natin sa tv. Yung makikita natin sa paligid. Yung masasaksihan natin sa araw araw. Kaya dapat wala ng aasa sa cliche cliche. Nakakaumay na. Nakakasawa na.