A letter to my beloved
Minsan kailangan din naman pala talaga nating mag move on. Di lang sa lovelife, kundi sa marami pang mga bagay. Kapag sinabi namang move on, uusad lang. Magbubukas lang ng mga pinto at oportunidad para sa iba na makapasok sa buhay mo. Hindi naman kasi pag sinabing 'Move on' eh, kelangan ng tuluyang kalimutan ang nakaraan. Pwede namang itabi muna yon, at hayaan yung iba na gumawa ng mga bagong alaala. Kasi di naman pwedeng habang buhay kang magiistick sa isang bagay. Ikaw din ang kawawa don e. Di mo maeenjoy ang bawat sandali. Sige ka.
Kaya guys, move on move on din. Di nyo naman kakalimutan e, kasi alam kong imposible talaga yon. Sayang naman yung mga nag aantay na magbukas yung pinto nyo diba? Sayang yung mga pagkakataon na sana e ineenjoy nyo kung di lang kayo maiiwan dyan sa nakaraan.
Lubos na nagmamahal,
Angelu na maganda