Why do we keep on hurting ourselves too much? I know I'm not the only one, and I know you also do the same thing. But did you already ask yourself, why?

We are all fond of pushing ourselves to our limits. Even though alam na nating bawal, pinipilit pa din natin. Kahit na alam na nating masama, ginagawa pa din natin. Kahit na alam na nating 'di natin kaya, kinakaya pa din natin. Kahit na alam na nating masasaktan na tayo, dededmahin lang natin, Bakit? Maybe because, malaki tiwala natin sa mga sarili natin, na sa kahit na ano pa man 'yan, alam natin na kakayanin natin 'yon. Hindi ba't isa namang positive attitude 'yon? Pero bakit sa bandang huli, sa lahat ng 'yon, sa pain pa din nagtatapos? Bakit laging may involve pa din na sakit sa ending?

Sa sobrang urge natin to push ourselves to our limits, we became insensitive, we became selfish to ourselves. Nakakatawang isipin na sa sarili nalang natin ay nagdadamot pa tayo, hindi ba? Pero wala eh, mukhang sa mga ganitong bagay ay nagiging tanga ang lahat, na umaabot pa sa puntong pati sarili ay pinagdadamutan ng pansin at halaga. Ang gusto nalang kasi natin ay maachieve 'yung goal, magawa 'yung matagal ng gustong gawin, at masatisfy. Masyadong naoovercome ng 'aims' natin yung 'pake' natin sa sarili natin. Which I think, is not healthy. And that is the reason why, kung bakit natin hilig saktan ang ating mga sarili, kung bakit lagi tayong nasasaktan kahit nagtitiwala lang naman tayo sa sarili natin. Kasi doon sa positive attitude na 'yon, mayroon pa ding nakakontrang negative eh. May selfishness pa din kasi na involve. Parang algebra lang yan, positive plus negative equals negative, right? Pero diba may isa pang rule sa algebra? Kung mas malaki ang positive sa negative, magsa-sum up ito sa positive answer. Kaya kung mas malaki ang pake natin sa sarili natin, kumpara sa aims natin, malaki ang tyansang hindi tayo masaktan ng sobra. Iyon lang naman ang labanan sa mundong ito eh, mahalin mo muna ang sarili mo, at pinapangako ko sayong kaya mo ng mabuhay.

Why do we keep on hurting ourselves too much? 'Wag na kasi tayong gumaya pa sa mga martyr. Hayaan nalang natin na sila nalang 'yung namatay dahil may pinaglaban sila, dahil mas gusto pa nilang mamatay kaysa itigil 'yung pinaglalaban nila. Hayaan na nating sila nalang 'yon. Kasi sa panahon ngayon, hindi ka magiging santo kapag naging martyr ka, okay?