Archive for October 2015

bawal na pag-ibig.

Ano ang bawal na pag-ibig? Mayroon bang ipinagbabawal na pag-ibig? Hindi ko yata maintindihan.

Bawal, ibig sabihin hindi pwede. Hindi uubra. Hindi maaari. Dapat iwasan. Mali.

May mali bang pag-ibig? May mali ba sa pag-ibig?

Ano ba yung mga tinuturing nilang bawal na 'to? Ang pag-iibigan ng mahirap at mayaman? Ang pagmamahalan ng matanda at bata? Ang pag-iibigan ng dalawang magkaparehong kasarian? Iyon ba ang sinasabi nilang bawal?

Bakit 'yon naging bawal? Sinong nagdikta na bawal 'yon? At bakit kailangang diktahan?

Saan nanggaling ang ganoong kaisipan? Sa dalawang taong perpekto? Sa dalawang taong kayang sabihin kung ano talaga ang tama at tunay na pag-ibig?

Bakit, mayroon bang gano'n? Talaga?

Sabi nga nila, walang nagdidikta ng pag-ibig. Pag-ibig ang kusang gumagalaw at kusang gumagawa ng lahat. Pero bakit may mga pamantayan tayo ng kung ano ang mga tama at mali sa larangan ng pag-ibig? Bakit, kapag ba gumawa tayo ng pamantayan, mapipigilan natin ang pag-ibig?

Iyon ba ang tunay na pag-ibig? Pinipigilan para masabing tama?

Isinusunod sa pamantayan para masabing hindi sila sumusuway sa nakasanayan, at katulad sila ng nakararami?

Para ano? Para pekein ang lahat? Para lokohin ang sarili? Para masabing tunay ang pag-ibig?

Kalokohan.

Hindi ko talaga maintindihan.

Pag-ibig ang nagdidikta, at hindi tayo ang nagdidikta ng pag-ibig. Walang mali, walang tama. Kasi kapag naramdaman mo na ang lahat, wala ka ng ibang maiisip kundi ang magmahal. Magmahal nalang at hayaang sumaya ang sarili sa kung ano mang nangyayaring kahit ikaw ay hindi mo maintindihan.


Ano ang bawal na pag-ibig? Mayroon bang ipinagbabawal na pag-ibig?

Meron. At mula ito sa kaisipan ng mga taong mabababaw. Mula sa mga taong walang konsepto ng tunay at lehitimong pag-ibig. Mula sa mga taong ang tanging ideya lamang sa pag-ibig ay mula sa kaisipan lang ng lipunan. Mula sa mga taong hindi alam kung ano ang pag-ibig.

Hindi ko sila maintindihan.

di ko na alam

Masarap ang pakiramdam ng umibig, masarap ring masuklian nito. Yung tipong alam mong hindi nasasayang lahat ng atensyong ginugugol mo sa taong 'yon kasi alam mong buong puso nya rin namang pinaparamdam 'yon sayo.

Pero paano kung maling pag-ibig pala ito? Pag-ibig na panandalian lamang. Pag-ibig na hindi nagtatagal ng panghabang buhay. Pag-ibig na hanggang pangako lang. Pag-ibig na bigla nalang malilimutan. Dahil isa lang palang pag-ibig na pampakilig. Pag-ibig na hindi nagtatagal. Kasi isa lamang pag-ibig na bigla biglang susulpot, kaya't ganoon nalang din kabilis na mawawala. Pag-ibig na walang kasiguraduhan. Pag-ibig na lokohan. Pag-ibig na masakit. Pag-ibig na nakakaiyak. Pero pag-ibig na dapat ding kalimutan agad. Pag-ibig na dapat gawing halimbawa, na huwag agad maniniwala sa mga simpleng pakilig. Dahil mahirap ng mauto, kahit masarap kiligin, matuto ring magpigil. Iba na rin ang maingat.

Powered by Blogger.