buwan nga ba
minsan ba
naisip mo na baka masaya
talaga ang buwan,
sa tuwing dumadating na ang araw?
sa tuwing magpapalit na sila
at aangatan siya nito
sa pagbibigay ng liwanag
sa mundo?
naisip mo ba na baka gusto niya
talaga na maging tanglaw lang
natin sa gabi?
naisip mo ba na baka wala naman
siyang inggit na nararamadaman,
kahit hindi siya ang unang inaasahan
nating magbibigay ng liwanag
sa atin?
kapag tila tinatabunan na lang
ng sinag ng araw ang mumunti
niyang ilaw?
na baka hindi katulad ng iniisip
mo ang tingin niya?
na siya,
tanggap niya na ang lahat
ng iyon ay kapalaran niya
at hindi iyon
isa lamang pagsubok
na dapat niyang karahapin,
na dapat niyang ipaglaban
ang titulo at trabaho
sa araw.
hindi niya naisip
na hindi iyon permanente
at kaya niya itong baguhin,
na kayang ayusin
at pag-usapan
naisip mo ba?
na wala namang mali
kung tatanggapin na lang
na hindi naman lahat
ng bagay
ay ibabatay na lang natin
sa realidad?
sa hinahanap ng lipunan?
na wala namang mali,
at hindi naman maling isipin
na sumasaya na ang buwan
kahit sa ideyang
pangalawa siya.
paanong naging
mali ang gawin
ang mga bagay na
ikinisasaya mo
naman?
hindi ba't
mas mali kung
ididikta natin
kung anong sa tingin
nating makakapagtama
sa balanse ng mundo?