it was night time, and i was in a deep sleep,
when a beaming light struck my closed eyes
and a rumbling noise came after,
with the smoke filling the air.
and in a count of three,
as if there was a magician saying
abracadabra!
you vanished.
Nakita ko si Kamatayan.
Nakatayo siya sa pintuan, sa labas ng kwarto mo.
"'Wag ka nang tumuloy. Parang awa mo na," pakiusap ko sa kanya.
"Hindi maaari 'yon. Oras na," walang emosyon niyang sabi.
"Kahit konting panahon pa... Kahit konting panahon pa para makasama ko siya..."
At nagsimula nang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan lumabas.
Ngunit buo na ang desisyon nya.
Huli na ang lahat.
"Kailangan ko nang pumasok. Kailangan na niyang sumama sakin," sabay ikot nya sa hawakan ng pintuan. Hanggang sa nawala na ng tuluyan sa paningin ko ang pigurang lubusan kong kinatatakutan.
'Wag mo siyang kunin sa akin...
August 3, 2017 1:37 AM
Habang nakatingin ako sa kawalan, dumating na ang mensaheng kinakatakutan ko. Ayokong buksan. Pero kailangan.
"Tapos na tayo. Bumalik na siya sakin. Salamat sa lahat, paalam na rin."
Gaya ng inaasahan, kinuha ka na nga ni Kamatayan sa akin.
Bumalik na siya sayo.
Bumalik ka na sa kanya.
Masaya na ulit kayo.
Masaya ka na.
August 3, 2017 1:38 AM
At namatay naman ako.
Pinatay ako ni Kamatayan.
Kinuha niya sakin ang buhay ko.
minsan ba
naisip mo na baka masaya
talaga ang buwan,
sa tuwing dumadating na ang araw?
sa tuwing magpapalit na sila
at aangatan siya nito
sa pagbibigay ng liwanag
sa mundo?
naisip mo ba na baka gusto niya
talaga na maging tanglaw lang
natin sa gabi?
naisip mo ba na baka wala naman
siyang inggit na nararamadaman,
kahit hindi siya ang unang inaasahan
nating magbibigay ng liwanag
sa atin?
kapag tila tinatabunan na lang
ng sinag ng araw ang mumunti
niyang ilaw?
na baka hindi katulad ng iniisip
mo ang tingin niya?
na siya,
tanggap niya na ang lahat
ng iyon ay kapalaran niya
at hindi iyon
isa lamang pagsubok
na dapat niyang karahapin,
na dapat niyang ipaglaban
ang titulo at trabaho
sa araw.
hindi niya naisip
na hindi iyon permanente
at kaya niya itong baguhin,
na kayang ayusin
at pag-usapan
naisip mo ba?
na wala namang mali
kung tatanggapin na lang
na hindi naman lahat
ng bagay
ay ibabatay na lang natin
sa realidad?
sa hinahanap ng lipunan?
na wala namang mali,
at hindi naman maling isipin
na sumasaya na ang buwan
kahit sa ideyang
pangalawa siya.
paanong naging
mali ang gawin
ang mga bagay na
ikinisasaya mo
naman?
hindi ba't
mas mali kung
ididikta natin
kung anong sa tingin
nating makakapagtama
sa balanse ng mundo?
ang dilim
at gulo
ng mundo
ay nandiyan na
bago ka pa
isinilang ng iyong ina,
ang irasyonal
at mapanghusgang
mata ng lipunan
ay matagal
ng sinisikmura
ng lahat,
ang pagkatao mong
binuo mo ng
ilang taon;
sa pinaghalong
masasaya at
nakakainis at
nakakaiyak at
nakakabaliw
na mga pangyayari
sa buhay mo,
ay ikaw
wala kang dapat
ihingi ng patawad,
sa kahit na ano
sa kahit na sino
wala kang kasalanan
lahat naman makasalanan
Kamusta?
Iyan ang ibinungad mo sakin pagkatapos ng limang taon.
Buti kilala mo pa ko?
Limang taon din 'yon.
Limang taong nagdusa.
Limang taong nangulila.
Limang taong umasa.
Limang taong nag-abang.
Limang taon at hanggang ngayon ay nag-aabang.
Buti kilala mo pa ko?
Buti bumalik ka pa?
Limang taon din 'yon.
Limang taong halos walang komunikasyon.
Limang taong parang nabaliwala ang lahat.
Limang taong parang binaliwala mo ako.
Limang taong parang wala ng ikaw at ako.
Mayroon pa bang ikaw at ako?
Bakit, mayroon ba?
Ikaw, kamusta ka?
Binalik ko sayo ang tanong mo.
Hindi ko kasi alam kung paano sasagutin ang 'kamusta'.
Hindi ko kasi alam kung ayos na nga ba ko.
Hindi ko alam kung ayos bang nandito ka na ulit.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis na kinausap mo ko ulit.
Pero natutuwa ako.
Masayang masaya ako.
Pero hindi ko alam kung tama bang sumaya ako ulit.
Kung tama bang sumaya ako ulit at ikaw ang dahilan.
Hindi ko alam kung tama bang bumalik itong pakiramdam.
Bakit kasi bumalik ka pa?
Limang taon.
Hindi mo alam kung gaano ako naging kamiserable ng limang taon.
Hindi mo alam kung gaano ako nahirapang matulog tuwing gabi.
Kung paano ako ginagambala ng mga alaala mo tuwing gabi.
Kung paano ako hindi pinatahimik ng mga boses mong palagi kong naririnig.
Kung paano ako pinapaiyak ng mga madadramang awitin.
At tanging ang pagtulog nalang ang nagiging kalayaan ko---
Hindi rin pala.
Lagpas sampung beses nga pala kitang napanaginipan.
Buti pa sa panaginip ko nagpaalam ka.
Buti pa do'n nagsabi ka ng dahilan.
Buti pa do'n kasama pa rin kita.
Pero eto ka na ulit..
Babalik ka na ba sakin?
Itutuloy na ba natin ang mga naudlot nating pangarap?
Hihingi ka na ba ng tawad sa biglaang pag-alis?
Sasabihin mo na ba ang rason mo?
Mamahalin mo na ba ko ulit?
Kaso..
Tatanggapin pa ba kita?
© alpas. Powered by Blogger and Manifest. Converted by LiteThemes.com