Archive for August 2014

Madalas kaysa minsan na dumadating ang mga panahon na kahit gustong gusto na nating sabihin, napangungunahan tayo ng hiya, takot at kaba kaya hindi na natin nakakayang sabihin pa. Pero ang tanging tanong dito, bakit kailangan pa tayong magpadala sa takot kaba at hiya? Gaya nga ng sabi nila YOLO, you only live once kaya dapat di na sinasayang ang bawat pagkakataon na mayroon tayo. Yung nakaalitan mong gusto mong sabihan ng Sorry, sabihan mo na ngayon, kasi kailan mo pa balak? Pano kung mamatay na tayo bukas, o mamaya, o kaya ay ngayon. Baka mamatay pa tayong may pagsisisi at di pa tayo mapayapa. Yung mga minamahal mo sa buhay na ni minsan ay di mo nagawang masabihan ng I love you, subukan mong sabihan na ngayon. Dahil hindi ubra na pinaparamdam lang natin, masarap at iba padin sa pakiramdam ang masabihan ng Mahal kita. At ang mga taong di mo masabihan ng Thank you, simulan mo ng sabihan. Dahil walang nagagawang tulong ang hiya, kaba at takot. Habambuhay ka lang nyang tatalunin. Lalo na kung di mo naman lalabanan.

Happy lang walang stress

Happy lang walang stress. Ang daling sabihin 'no? Ang daling itype, ang daling isulat. Pero ang hirap pangatawanan. Libre na nga lang ang happiness, bakit parang di ko pa maachieve? Nakakalungkot. Bakit kaya ganto ang buhay no? Ang unfair. Hindi lahat pwedeng sumaya ng walang consequences. Hindi lahat sumasaya. Parang kailangan makapasa ka muna ng isang test bago mapasayo ang happiness eh. Parang kailangan mo munang umakyat ng maraming matataas na bundok bago mo sya makamit. Ang hirap. Di mo talaga maiiwasang hindi mastress, bago maging happy.

Kapag sobrang lungkot natin tapos may mga taong pilit tayong pinapasaya, minsan kulang padin yung effort nila eh, di padin sapat para sumaya ulit tayo. Para umokay na yung pakiramdam natin. Para gumaan na yung mabigat na bitbitin ng puso. Bakit nangyayari 'tong ganto? Parang ang unfair doon sa mga nagpipilit tayong pasayahin diba?

Mayroon kasi talagang mga pagkakataon na, naghihintay tayo ng isang tao na papawi lahat ng lungkot na 'yon. At dahil sa paghihintay na 'yon, nababaliwala na natin yung efforts ng iba para sumaya na tayo ulit. Pero ang best feeling ever, ay 'yung mapasaya tayo ng taong hinihintay natin na gagawa nito. 'Yung sya mismo ang gumawa ng paraan dahil nakikita ka nyang nahihirapan na. Sa mga ganitong pagkakataon, parang makakalimutan mo na ding naging malungkot ka eh, dahil napapatungan na ng saya na dinulot ng taong hinintay mo, at dumating naman.

Ang sarap talaga sa pakiramdam nung nag-expect ka, nagdemand ka, at nag-assume ka, tapos nangyari din naman sa huli. Parang dream come true ba.

Would I?

Would I forgive you if you disappeared one day without saying goodbye? Maybe I can forgive you, but it will take time for me to forget what you did, that you leave me hanging. The fact that you suddenly disappear will hurt me so much, what more if  you won't say goodbye? That you didn't allow me to see you before you go. It feels like you just throw everything away, or you just walked in my life and we're just strangers to each other. It's like you regret meeting me if you will do that. So don't you dare disappear without saying goodbye. And if possible, please don't leave me. I don't want to be alone. I hate being alone.

Habang nanggagalaiti ang guro namin, dahil mali mali daw ang mga sinagot namin sa takdang ibinigay niya sa amin na dapat ay masagutan na namin ng tama dahil sobrang dali na daw, ay may nasabi siyang hindi ko nagustuhan o tutol ako. Sabi niya, 'Students nowadays have no time to analyze'. Pagkasabing pagkasabi nya noon, napaisip ako bigla kung sasang-ayon ba ko o hindi sa opinyon niya, at sa pag-iisip kong iyon napagtanto ko na, may mga bagay pala akong hindi napapansin. Siguro dahil nasanay na ko sa mundong kinalakihan ko kaya di ko na napapansin na ganito na pala ang epekto ng mga bagay bagay sa aming mga kabataan kung kaya't ganon ganon nalang kung sabihin ng aming guro ang mga ganoong bagay, siguro ayon iyon sa mga nasasaksihan niya. Pero tumututol ako sa sinabi ni Ma'am na iyon, dahil para sa akin, oo nga't patangay kami sa mga bagay bagay, ngunit masasabi ko naman na, kakaiba ang mga kabataan ngayon, kumpara sa mga nakalipas na panahon, mas mulat na kami sa realidad, mas independiyente na kami, at masasabi ko din na sa mura naming edad ay kaya na naming tumayo sa sarili naming mga paa. Hindi ko alam kung ano ang meron sa henerasyon na ito pero pakiramdam ko ay sobrang tatag ng mga loob ng mga batang namumuhay ngayon. Marahil ay dahil sa maraming problema na ang napagdaanan na, at sila ay natuto na na walang ibang makakalutas ng mga problema natin kung hindi tayo lang din naman. Kahit maraming hindi kagandahang imahe ang mga kabataan ngayon sa mata ng nakararami, masaya ako na kabilang ako sa henerasyong ito na binubuo ng mga kakaibang tao, ng mga taong matatapang na harapin ang bukas na wala man lang katakot takot, ng mga taong mulat sa katotohanan at sa pasikot sikot na takbo ng buhay. Kaya hindi ako sumasang-ayon sa sinabi ng aming guro, dahil kung kaya ng mga kabataan na rumesolba ng mga problema, at kung kaya din naming maghanap ng mga chismis at butas na ikasisira ng iba, bakit namin hindi makakayang mag-analisa at mag-obserba? Students nowadays have all the time to analyze.

Bakit magulo ang mundo?

Isang beses napag-usapan namin bigla ng kaibigan ko, bakit nga ba magulo ang mundo? Yung tipo ng gulo na walang pagkakaisa, walang pag-uunawaan, walang pagmamahalan. Aminin na natin, hindi lahat ng tao sa mundong ito, mahal ang isa't isa, o mahal ang mga taong nasa paligid nila. Pero madali para sakanila na sabihin lang na mahal nila ang isang tao. Ang gulo hindi ba? Sa panahon kasi ngayon, madali nalang magpanggap. Nakakapag panggap ka nalang ng wala wala lang, yung biglaan mo nalang nagagawa.

Mayroon din namang mga tao na, pinipilit nila ang wala na meron. At mayroon din naman na meron talaga, pero pinipilit nilang wala. Bakit nila 'to ginagawa? Marahil, dahil hindi nila tanggap ang katotohanan. Siguro dahil ayaw nila sa magiging kalalabasan, kahit alam na nila kung ano man 'yon sa umpisa palang, hindi padin nila tinatanggap. Kasi takot sila, takot sila na mahusgahan sa mundong magulo na ginagalawan nila. Kadalasan pang nangyayari, maraming tao ang gustong maparinig ang kanilang boses sa lahat, ang kanilang opinyon, ang kanilang saloobin. Oo nga't may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng mga suwestyon nila, ngunit marami din namang mga tao na, hindi sanay umunawa sa mga katagang 'Opinyon ko lang to ha', dahil ang nagiging interpretasyon ng iba sa mga ganito, na tinatama nila ang mali ng iba. Sa makatuwid, masasabi kong karamihan sa mga tao ngayon ay makikitid ang mga isip.

Habang iniisip ko ang mga bagay na 'to, unti unti ng nabubuo ang ideya ko kung bakit magulo ang mundo. Siguro magulo ang mundo dahil pinapagulo ito ng mga taong naninirahan dito. Pinapakomplikado ang madali lang naman masolusyunan. At isinasawalang bahala ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Bakit magulo ang mundo? Magulo ang mundo dahil walang pagkakaisa, walang pag-uunawaan at walang pagmamahalan.

Powered by Blogger.