by Unknown
Sabi ng guro namin noon, 'Hindi naman totoo na opposite attracts sa larangan ng pag-ibig. Sadyang insecure lang ang lalake/babae kaya humahanap sya ng karelasyon na mas nakalalamang sya'. Bilang isang palaisip na bata, napaisip nanaman ako. Tama nga kaya siya? Siguro hindi lahat. Alam ko naman na sa panahon ngayon ay may mga taong ganon talaga mag-isip, mga taong selfish at ang gusto lamang ay ang ikaaayos nila. Pero alam ko din, at naniniwala din naman ako na, kumikilos lang ang tadhana. Maaaring sila ang nagkatuluyan dahil napupunan nila ang kakulangan ng isa't isa. O kaya ay, sadyang ganon lang talaga ang pag-ibig. Hindi mo kasi talaga masasabi kung paano at kailan dadating ang pag-ibig. Sa lahat ng mga weirdo at kakaibang mga bagay, masasabi kong ito ang pinuno. Magulo, di maipaliwanag, at nakakapagpakabagabag. Pero masarap ang pakiramdam ng umiibig. Aminin man natin yan o hindi.
Totoong madaming mga taong insecure at selfish, pero totoo din, na mas madaming tao ang nagmamahal lang ng walang dahilan, basta tumibok lang ang puso at nagmahal lang. Di natin sila masisisi. Kasi ako, siya at ikaw, ay ganon din. Tao lang tayo, nagmamahal.