araw ng mga puso

by

Nakalipas na ang araw ng mga puso, tapos na din ang malakas na kita ng mga nagtitinda ng bulaklak, ng chocolate, ng cake, at ng mga lobong hugis puso. Nakalipas na din ang araw ng mga magsyotang nagsusweet-sweetan sa daan, sa mga social media, sa text at sa kung saan pa man, tapos na din ang sandamakmak na kabitteran ng mga single, ng mga di pa nakakamove on, ng mga bagong break, ng mga 'it's complicated' daw, at ng mga walang pake sa pag-ibig. 
Pero lumilipas nga ba talaga ang 'araw' ng mga puso? Natatapos ba ito? 
Bakit kailangang mayroon pang mga ganitong pagdiriwang? Hindi ba pwedeng sa bawat araw nalang na ginawa ng Diyos, at sa bawat araw na makakasama mo ang taong mahal mo ay iparamdam mo na lang sa kanya ang sobrang pagmamahal? Na sa bawat araw na makakasama mo siya ay maging sweet ka na lang sa kanya. Na sa bawat araw na mayroon kayo ay bilhan o bigyan mo na lang siya kahit na mumurahing mga bulaklak at chocolate lang. Alam kong masyadong mababaw itong pinaglalaban ko, pero, hindi ko lang talaga makuha. Anong silbi ng pagdiriwang ng 'araw ng mga puso' kung sa araw lang naman pala na iyon ka magiging sweet sa mga minamahal mo? Pakiramdam ko tuloy ay nagiging robot at matic nalang sa lahat na kapag February 14 ay kailangan nilang maging sweet. 
Nasaan ang sincerity doon hindi ba?