What is love?
by Unknown
Kung iisipin, at kung ipagtatanong tanong, madaming magsasabi na, Love is blind. Love is like a rosary full of mystery. Love moves in mysterious ways. Love is pag-ibig. Pero ano nga ba ang love?
Lahat ba tayo alam ang ibig sabihin at ang pakiramdam ng love? Siguro sasabihin mong, 'Oo, alam ko ang pakiramdam ng mainlove'. Pero sigurado ka ba na love ang naramdaman mo? Paano kung infatuation lang pala 'yon? Paano kung nadala ka lang sa nakita ng iyong mga mata at akala mo pag-ibig na 'yan? Paano kung nag-aasume ka lang pala na love yon pero hindi pala? Paano kung masyado palang mababaw ang konsepto mo ng love? Paano pala kung para sayo ang love eh kapag nag-I love you siya sayo at nag-I love you too ka naman? Paano kung ang love lang para sayo ay 'pag tinetext ka nya at hindi siya nagmimintis ng 'Good morning kain ka na breakfast', 'Good afternoon kain ka na lunch', 'Good evening kain ka na dinner', 'Good night tulog ka mahimbing'? Iyon ba ang love para sayo? 'Yan na ba ang depinisyon mo ng love?
Love, yung unang beses mong mapadpad dito sa daigdig, iyon ang love. Hindi ko masasabing ginawa tayong lahat nang dahil sa pagmamahal, pero masasabi kong yung pagpili palang ng nanay mo na buhayin ka at hindi ka ilaglag eh love na yon. Yung pagkakataon lang na binigyan ka niya ng chance para masilayan ang mundo ay love na 'yon.
Love, yung nakikita mo sa paligid, yung paggising mo sa araw-araw, yung mga nakakamit mong biyaya sa bawat araw, lahat ng 'yon nagiging posible dahil sa pagmamahal satin ni God. Yun ang love.
Sige nga, isipin mo kung ano yung pinagkaibia ng konsepto mo ng love diyan sa ilang mga bagay na 'yan. Malayo ba o hindi? Kaya ka bang iluwal ng boypren mo? Kaya ka bang bigyan ng bagong umaga ng gerlpren mo? Syempre hindi! Haha sino bang niloloko ko. Pero sa tingin ko, pwede naman nating maramdaman ang tunay na pag-ibig kahit hindi sa ganoong paraan eh. May iba pang way.
At hindi ko kayang ienumerate 'yon lahat. Basta feeling ko lang kaya naman siyang maramdaman nang galing lang sa mga normal na tao na nasa paligid natin. Hindi nila kailangang maging superhuman para maiparanas ang tunay na pag-ibig. Dahil ang tunay na pag-ibig, mararamdaman mo nalang 'yan sa panahong hindi mo inaasahan. Magugulat ka nalang na umiibig ka na pala ng hindi ka man lang aware at hindi ka man alng prepared. Wag ka lang aarte na sa bawat araw na ginawa ng Diyos at sa lahat ng lalaking chinito na nakasalubong mo ay naramdaman mo ang tunay na pag-ibig. Dahil tiyak na mahahambalos kita sinasabi ko sayo!