by Unknown
Nasasaktan ka na naman. Bakit may karapatan ka ba?
Nagdadrama ka na naman. Bakit kayo ba?
Tayo talagang mga Pilipino, ang hilig nating pahirapan yung mga sarili natin kahit hindi naman dapat, kahit hindi naman tama. Gusto natin, nalulungkot tayo, nasasaktan tayo. Gusto natin nahihirapan tayo kahit mismong sa sarili natin, alam nating di natin 'yon kaya. Parang tanga lang 'no? Mga martyr eh. Manhid. Uto-uto. Selfless. Manloloko, pati sarili niloloko. Hay nako.
Isang halimbawa na dito ay yung mga naggi-gym. Pansinin niyo ha, yung iba don mga patpatin. Yung alam mong hindi naman kayang buhatin yung mga tone-toneladang barbell sa gym. Pero nandon pa din sila. Tapos makikita mo, magstastatus sa fb ng "Here at the Gym. Grabe sobrang hiraaaap huhu ayoko naaaa :(" Pero makikita mo sa mga susunod na araw, magpopost sa instagram ng selfie na nasa gym pa din sila. Ang hilig pahirapan yung sarili no? Bumibigay na nga yung katawan pero ayun, tuloy pa din. Kunwari walang nararamdamang sakit at pagod. Kunwari kaya pa. Kunwari malakas. Kunwari matatag. Pero wag ka pag-uwi nyan ng bahay, hilata agad yan tapos tulog agad ng limang oras na straight! Mapagpanggap eh.
Di mo naman kailangang masaktan ng lubusan kung in the first place eh wala ka namang karapatang masaktan at hindi ka naman sinabihang umasa ka, may pagasa kayo maghintay ka lang saglit. Matuto kang alamin kung hanggang saan ka lang. Wag kang lalagpas sa limitasyon mo, kasi parang sa dagat lang yan, Kapag nag-cross ka sa harang ng dagat, di mo alam baka may pating na don, de nakagat ka pa--masasaktan ka, or worst makakain ka--mamatay ka. Kung pagkakaibigan lang kaya niyang ibigay sayo at wala naman siyang ibang pinapakitang kahinahinala or kadudaduda, magstick ka nalang sa FRIENDS LANG KAYO, NOTHING MORE NOTHING LESS. Sa ganitong pagkakataon, malilimitahan yung sakit na mararamdaman mo kapag may nilalandi siyang iba. Kasi maiisip mo na Wala ka namang karapatan, bakit ka mag-aaksaya ng emote sakanya? Oo sige! Mahirap gawin, hindi ganon kadali! Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kung uumpisahan mo na 'tong gawin ngayon, hangga't maaga pa, sa pagtagal-tagal ng panahon, madadalian ka nang gawin yon. Magugulat ka nalang na isang araw, di ka na affected. Kahit pa harap-harapan mong makita na naglalandian sila eh, wala nalang sayo. Kasi maaga palang, sinaksak mo na sa kokote mong DUH WALANG KAMI.
Sino pa bang mag-aalaga sa sarili mo kundi ikaw lang din naman diba? Tapos hahayaan mo pang saktan ng unconscious mind mo 'yang pobreng katawan mo. Maawa't mahabag ka naman. Pwede kang umasa at mag-assume mga isa, dalawang beses sige. Pero kung papangatlo ka pa, aba di ka pa ba nadadala?! Ano sa tingin mo sa sarili mo, robot? Di napapagod? Di nasasaktan? Hoy kahit ang robot nalolowbat din, May hangganan din. Kaya kahit magpanggap kang robot, kailangan mo ding magpahinga. Kailangan mo ding ipahinga sa sakit 'yang sarili mo 'no.
Hindi masamang maging selfless. Pero binabagay 'yon sa sitwasyon. Hindi 'yon inaaraw-araw. Hindi yung para lang sa crush mong hindi ka pinapansin kaya sakit na sakit ka ha? Jusko. Life is too short bitches ;)