l.n.t. #3

by

Alam mo yung pakiramdam na nasasaktan ka sa isang bagay na hindi mo naman sigurado kung ano? Madalas kong isagot sa iba kapag sinasabi nila na hindi nila alam kung bakit sila malungkot o kung bakit ganon yung nararamdaman nila ang 'imposibleng hindi mo alam kung ano yang nararamadaman mo kasi sarili mo yan eh, paano namang mangyayari na di ka aware sa pakiramdam mo diba?' Pero iba pala talaga pag ikaw na yung nakaramdam at nalagay sa ganong sitwasyon. Ngayon nalaman ko na posible na pala yon ngayon. Na malungkot ka ng walang dahilan. Na magdrama ka nalang bigla. Na magdamot ka nalang bigla. Na maging possessive ka nalang bigla sa kung kanino. Mga ganong bagay na biglaang nangyayari, na sinasabi nating di natin alam ang dahilan kung bakit. Na clueless tayo sa sudden change of mood natin. Pero actually, alam talaga natin yung dahilan kung bakit. Like the usual, nagbubulagbulagan na naman tayo. Kasi di natin tanggap yung dahilan, yung rason. Kasi hindi pa tayo handang umintindi at umunawa ng mga komplikadong bagay. Kasi kahit naghahanap tayo ng sagot sa mga katanungan natin, sinasara naman natin yung utak natin sa mga sagot na ayaw nating maging solusyon sa mga ganitong bagay, Ang weird ng tao no? Gusto niyang malaman yung sagot pero hindi niya hinahayaan yung sarili niyang malaman yung sagot.

Takot kasi tayo sa katotohanan. Sa katotohanan na daig pa ang horror movies sa Hollywood kung makapanindak ng mga tao. Masyado kasi tayong nadala sa katagang 'Truth hurts'. Eh ang mga tao pa naman ngayon takot masaktan. Magmamahal ng buong puso tapos sasabihin wag mo kong sasaktan ha, aba nagbanta ka pang wag kang sasaktan eh binigay mo na nga ang lahat sayo wala ka ngang tinira pano ka pa hindi masasaktan niyan!!! Ano akala mo sa syota mo, snatcher na kapag binigay mo na lahat ng pera at alahas at cellphone mo eh hindi ka na sasaksakin?! Baliw! Ang snatcher kahit ibigay mo na lahat ng gamit at pera mo sa kanya, papatayin ka pa din niyan kasi pano kung isumbong mo siya sa pulis diba? De talo siya! Iilan lang ang mga snatcher na kapag nagmakaawa ka na wag ka niyang sasaktan at ibibigay mo naman lahat ng kailangan niya ay susunod sayo no. Kasi mas madalas na nililinlang at niloloko lang tayo niyang mga snatcher na yan. Papapaniwalain tayo na hindi tayo sasaktan basta ibigay lang lahat ng pera, pero sa huli nagtatatakbo pa yan ng mabilis kahit nasaksak ka na niya sa tagiliran mo. Parang syota lang yan. Pero hindi talaga yun yung pinopoint out ko dito eh. Bakit ba ko napunta don?

Ang sakin lang, siguro ang paraan nalang para gumaan yung pakiramdam natin sa mga panahong di natin maexplain yung nararamdaman natin ay, magpakatotoo nalang tayo. Walang ibang taong mas hihigit na makakakilala sa sarili natin kundi tayo lang. Kaya maglolokohan pa ba kayo ng sarili mo?