mensahe para sa sarili

by

Hindi lahat ng gusto natin mapapasatin. Kahit pa sabihin nating, 'Sobrang gusto ko non, lahat gagawin ko makuha lang yon. Sobrang saya yung mararamdaman ko kapag nakuha ko talaga yon kaya gagawin ko talaga lahat lahat promise.' Kasi kapag hindi, HINDI NA TALAGA. Anong magagawa mo kung tadhana na yung kumontra sayo? WALA. Ngangawa ka nalang tapos tatanggapin na wala talaga. Na hindi siya binigay talaga para sayo. Na baka may mga ibang bagay pala talaga na para sayo na mas maganda pa don at mas babagay sayo. Hindi lang kasi talaga yun yung para sayo kaya nilipat ka sa iba. Hindi kasi lahat ng gusto natin, ay dapat ng mapasaatin. Kailangan din nating tignan kung makakabuti ba yon satin, o kung kakayanin ba natin ang lahat ng mga posibleng mangyari kapag naibigay satin yon. Baka hindi pa lang panahon. Baka hindi pa lang ngayon. Malay mo bukas, o kaya hindi na. 'Di natin alam, basta ang sigurado lang, hindi yon para sayo. At may ibang bagay pang nakatadhana talaga sayo, kaya wag ka ng malungkot dyan, ha?