"masasanay ka din ng wala sya"

by

Apat na taon na akong may braces. Nagsimula at nakatapos ako ng high school na mayroong mga alambre at bakal sa ngipin, kaya ng mapatanggal ko na nga ito kamakailan lang, kung makareact ng 'sa wakas' at 'finally' ang mga kaibigan ko ay grabehan at sobrang oa nga. Pero kung tuutuusin, di ko din naman sila masisi. Kasi kahit ako mismo, ganon ang naging reaksyon ko sa pagkatanggal nito. Parang mapapakanta pa nga ako ng 'im freeeee~' sa kalagayan ko eh. Pero hindi ko inaasahan na sa kabila ng kasiyahan ko at wala na kong braces eh, mamimiss ko din pala ang mga bakal na 'yon.

Kinabukasan pagkagising ko, umaasa akong may tatamang mga bakal sa nguso ko gaya ng nakasanayan. Pero wala na nga pala, nakalimutan kong tinanggal na nga pala sya. Buong araw na 'yon, sobra kong nangangapa na walang bakal sa ngipin. Sobra kong nangungulila non sa braces ko, oo ang oa at ang drama nga pero kapag kayo nasa sitwasyon ko huhu, ganon talaga promise.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, unti-unti na kong nasasanay sa paggising ko. Hindi na ko nag-eexpect na may tatamang mga bakal sa nguso ko sa bawat pagdilat ko ng mata ko. Nasanay na kong walang braces.

At dahil dito, naniwala na kong 'time heals all wounds'. Hindi man ako naheartbroken, napatunayan ko pa din na sa paglipas ng panahon, at sa tulong na din ng 'di natin pag-alala madalas sa mga bagay na gusto nating sanayin na wala sa atin, ay makakaraos tayo na wala sila. Marahil sasabihin niyo sakin na madali lang naman sabihin ang lahat ng 'to, madaling itype, at madaling lokohin ang sarili. Pero kung ikaw mismo ang tumutulong sa sarili mo, kung ikaw mismo sinubukan mo, malalaman mong tama nga naman. Kaya din palang makalimutan na minsan sa buhay ko ay dumating ang bagay o tao na 'yon sakin.

Oo, hindi ganon kadaling mag-adjust kaagad at magmove on. Pero sa bawat araw na tinutulungan din natin ang mga sarili natin na makausad sa mga pangyayari, unti-unti na tayong makakawala sa mga ala-alang kumukulong satin, sa mga ala-alang nagpapahirap satin at sa mga ala-alang hinihila tayo pabalik hanggang sa hindi na tayo mausad sa mundong ginagalawan natin, sa mundong magulo.