close or open
by Unknown
Minsan hindi sa lahat ng pagkakataon, ginugusto natin na ibukas at ipakita sa lahat ng tao ang totoong tayo, ang totoo nating mga sarili, ang mga hinaing natin sa buhay, ang mga pinagdadaanan natin sa araw-araw, o ang mga pumapasok sa isip natin sa bawat minutong lumilipas. Kasi dito na papasok ang salitang privacy. Dahil alam naman nating lahat ang general rule of life; na may limitasyon ang ibang tao sa atin, at ganoon din tayo sa kanila. Kung kaya't hindi mo kakikitaan ng pagkanais ang isang tao na ipaalam sa buong mundo kung anong ginagawa nya kapag naliligo s'ya o kung ano pa mang ibang bagay.
Pero madalas kaysa minsan, sa panahon ngayon, sa henerasyon na kinabibilangan ko, madalas ay ang pagiging open pa ang ninanais ng mga tao. Imbis na maghanap sila ng privacy at piliing maging close ay tila mas ginugusto pa nila na maging open.
Mula kasi sa punto de vista ko, parang kapag naging 'open' ka, parang nagkakaroon ka na ng 'di maitatangging kalayaan sa lahat ng bagay. Parang sa ganoong paraan ay hindi mo iginagapos ang sarili mo sa isang tanikala, hindi mo ikinukulong ang sarili mo sa isang kahon at hinahayaan mo s'yang gawin kung ano man ang gusto nya, at kung saan s'ya lubos na masaya.
Parang binubuksan mo kasi yung sarili mo sa lahat ng oportunidad na posibleng mangyari. At nagiging positibo ka sa lahat ng bagay sa ganitong sitwasyon.
Oo, hindi malabong matake for granted ka dahil sa pagiging bukas mo sa lahat, pero hindi talaga matatawaran yung sayang hatid ng kalayaan na mapagtatagumpayan mo kung susubukan mong maging bukas sa lahat. Fulfilling.
Hindi mo naman kailangang pagtiwalaan lahat ng taong makakasalamuha mo. Kasi sa ganitong klase ng galaw---ang pagiging open, parang ang tanging constant na kakampi mo lang dito ay ang sarili mo. Hinahayaan mo nga silang makapasok at matuklasan ang nasa kabila ng matataas mong bakuran dahil nakakaramdam ka ng kalayaan, pero hindi ibig sabihin noon na hindi mo na pangangalagaan yung totoong ikaw.
Sa lahat kasi ng bagay, kailangang kailangan na magtitira pa rin tayo ng lugar at espasyo para sa sarili natin. Maging isa man tayong open book, o isang sikretong journal na may padlock pa.