Archive for May 2016

"Don't fall in love with me—
I am broken.
I have pains,
insecurities,
scars,
flaws,
and darkness.

Don't fall in love with me—
I'll be a heavy load for you to carry.
A burden,
a log in your throat.

Don't fall in love with me—
My demons will consume you..
For I am what I am..
Piece by piece."
   —Gay Travina



~

"Too late;
I already fell in love with you—
Despite your brokenness.
With your pains,
insecurities,
flaws,
and darkness.
I still fell in love with you.
Because all these imperfections,
are my reason to stay.

I already fell in love with you—
And it will be
'you and me against this world'.
All your troubles and miseries,
will also be my troubles and miseries.
I don't want you to suffer alone.

I already fell in love with you—
For you are who you are.
Piece by piece..
And I am not regretting anything."
   —A.C.

Sa pagkakataong mapagod ka na

Mahal alam kong hindi ka makina, na handang makinig sa lahat ng kwento ko.
Na handang unawain ako sa mga panahong nagiging wirdo ako.
Na handang kausapin ako hanggang umaga o kaya'y hanggang sa pagtulog ko.
At hindi ka makina, dahil napapagod ka rin. May katapusan rin. Nagsasawa ka rin. Nawawalan ka rin ng oras. Ng panahon. Ng sasabihin. Ng pasensya. Ng pang-unawa. Kasi hindi ka isang makina.
Hindi ka laging nandyan para sa akin.
Pero hindi ka rin ba para sa akin?

Pwede bang para sa akin ka nalang...
Kasi ako, gusto kong maging para sayo.
Handa akong maging iyo.
Sa ano mang aspeto,
Sayong sayo ako.
Hinihintay ko lang ang pagtanggap mo.
Pero ewan ko ba...
Mahal napapagod ka na ba?
Ngunit hindi pa tayo nag-uumpisa?
Wala pa tayo sa umpisa.
Sinusubukan ko pa lang simulan ng mag-isa
Umaayaw ka na ba?
Napapagod ka na?
Wag muna oh.

Pero tandaan mo nalang 'to,
Na sa oras na mapagod ka na
At sa oras na pagsawaan o tamarin ka na sa kung ano mang mayroon tayo,
Tandaan mo 'to;
Na hinding hindi ako magsasawa.
Hinding hindi ako mawawalan ng panahon.
Hinding hindi ako mapapagod.
At patuloy akong maghihintay na dumating ang araw na ako na ang makakapagpawi ng iyong pagod,
Na ako na ang magiging permanente sa buhay mo at hindi ako mawawala sa tabi mo sa habang panahon.
At na ako na ang walang kasawa-sawang magsasabi sayo ng 'mahal kita'.
Kahit mula umaga hanggang gabi,
Handa akong sabihin sayo na mahal kita.
Gusto kong ipadama sayo na mahal kita.

Kaya mahal, sa pagkakataong mapagod ka na tandaan mo sanang hindi ako magpapaapekto don at hindi ko alam ang salitang "nakakapagod na" at "gusto kong sumuko na".
Kasi tuwing nakikita ko ang iyong mga mata, wala akong ibang naiisip kundi "karapat-dapat ka" at "hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na".

Walang pamagat

Sa simulang simula na makita kita,
Nagmistulan akong isang matalino ngunit desperadong tao,
Na agad-agad na nakapag-isip ng mga plano kasama ka,
Agad ko ng nakita ang hinaharap kong kapiling ka,
Na posible tayong dalawa.
Nakikita ko na ang mga araw nating magkasama na tila kay saya,
'Yun bang tipong wala akong pakialam kahit abutin pa tayo ng umaga.
Basta makita ko lang ang mga mata mo'y okay na,
Na marinig ko lang ang boses mo't masilayan ko lang ang pagngiti mo'y ayos na ayos na.

Kaso sa paglipas ng mga araw, tila hindi na yata nakikisama sa akin ang tadhana.
Mukhang ayaw mo naman pala yata.
Mukhang lumalayo ka na.
At alam mo bang sa bawat araw na ginagawa mo sakin ang mga parusang ito,
Tila isa-isang nabubura ang mga planong binuo ko na kasama ka.
Tila unti-unting naglalaho ang pag-asa kong sa hinaharap ay kapiling kita,
Na posible tayong dalawa,
Na posibleng maging ako ang sanhi ng bawat pagngiti mo,
Na posibleng matawag kitang akin, at ako'y sayo,
Na posibleng sumaya tayo,
Na posible ang lahat ng ito.

Pero maya't maya na ko sinasampal ng realidad,
At sinasabing gumising na ko bago pa umabot sa puntong panunuorin nalang kitang lumalakad,
Papalayo..
Papalayo sa mga pantasya ko.
Papalayo sa kalokohang naiisip ko.
Papalayo sa piling ko.
Kaya kailangan ko na ngang gumising,
Dahil oo, akala ko nga lang 'to.

Powered by Blogger.