Archive for February 2015

l.n.t #2

Some were meant to meet, and some were not. Some were meant to be together, and some were meant to be apart.  
Siguro iyan nalang ang magiging pamantayan ko sa buhay. Bali parang motto in life ba. Kasi totoo naman diba? May mga dapat magkita, at may mga hindi. May mga nakatadhanang magsama, at maghiwalay. Minsan nga ang saklap pa eh, yung kung kelan akala mo kayo na yung 'meant to be together' bigla na lang eepal ang universe at ililihis ang istorya niyo sa 'meant to be apart'. Sakit non no? Bukod sa nasaktan ka na sa nangyari, umasa ka pa na kayo talaga.
Pakiramdam ko kung ang bawat tao sa mundo ay may ganitong thinking, baka iilan lang ang nagpapakamatay dahil nawalan ng jowa, at ng kung sino pang mahal nila sa buhay. Kasi kung may ganito silang pananaw sa buhay, siguro, oo malulungkot sila. Pero hindi na hahantong pa sa depression na hahantong pa minsan sa pagpapakamatay. Yung maiibsan nila agad kasi maiisip nila na, "Oo nga, baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa." Reality. Kung may ganitong mentality ang lahat, baka yakapin pa nila ang realidad at dito nalang magrely. Sa reality na, may mga dapat magkita at dapat hindi magtagpo. Na may mga nakatakdang magkita at magsama ng panghabang buhay, at may mga dapat ding ilayo, hindi na magsama, at iwan ang isa't isa. Sa reality na bubuhay sa kanila. Reality na hindi magpapaasa at mananakit sa kanila.  
Kasi, kung siguro aasa lang sila lagi sa mga 'baka kasi', 'siguro kasi', 'akala ko kasi' nila, ay aba. Baka kung nabebenta ang mga luhang lumalabas satin eh mayaman na ang lahat ng tao kakaiyak dahil sa pananaw na mayroon sila. At sa mga ginagawa nila dahil nga sa ganitong pag-iisip.

late night thoughts zz

Alam mo ba yung feeling na gusto mo na lang biglang umiyak? Yung kahit alam mong hindi naman dapat, mali ang sitwasyon, sayang ang luha, para ka lang tanga, ay mas gugustuhin mo pa ding iiyak nalang lahat. Kasi alam mo na sa pag-iyak mo, oo hindi mawawala yung sakit, yung bigat, pero alam mo namang kahit papaano eh maiibsan sya. Kahit papaano eh mababawasan.

Yung kahit alam mong may mga tamang panahon para sa paglabas ng luha, pero hahayaan mo nalang. Iiyak mo nalang, magmuka ka mang mahina o kung ano mang tingin ng lipunan dito, dededmahin mo lang. Kasi sino bang makikinabang ng ginhawa-- wait, kung ginhawa nga ba ang mararamdaman mo. Madalas kasi kahit umiyak ka na, hindi ka naman nagiginhawaan pa eh. Mas lalo lang din bumibigat at sumasakit. Mas lalo ka lang nanlulumo, mas lalo ka lang maiirita sa paligid, sa realidad. Siguro, depende sa sitwasyon.

Pero masasabi ko na, mas okay pang iiyak na lang yan lahat. Kahit umabot ka pa sa tipong wala ka ng mata o ano man, iyak ka lang. Hindi naman sa sobrang hina mo na eh, naglalabas ka lang naman ng feelings. nagpapakita ka lang na, tao ka din. may pakiramdam, nasasaktan, natutuwa, nalulungkot, nagugulat at kung ano pa man.

araw ng mga puso

Nakalipas na ang araw ng mga puso, tapos na din ang malakas na kita ng mga nagtitinda ng bulaklak, ng chocolate, ng cake, at ng mga lobong hugis puso. Nakalipas na din ang araw ng mga magsyotang nagsusweet-sweetan sa daan, sa mga social media, sa text at sa kung saan pa man, tapos na din ang sandamakmak na kabitteran ng mga single, ng mga di pa nakakamove on, ng mga bagong break, ng mga 'it's complicated' daw, at ng mga walang pake sa pag-ibig. 
Pero lumilipas nga ba talaga ang 'araw' ng mga puso? Natatapos ba ito? 
Bakit kailangang mayroon pang mga ganitong pagdiriwang? Hindi ba pwedeng sa bawat araw nalang na ginawa ng Diyos, at sa bawat araw na makakasama mo ang taong mahal mo ay iparamdam mo na lang sa kanya ang sobrang pagmamahal? Na sa bawat araw na makakasama mo siya ay maging sweet ka na lang sa kanya. Na sa bawat araw na mayroon kayo ay bilhan o bigyan mo na lang siya kahit na mumurahing mga bulaklak at chocolate lang. Alam kong masyadong mababaw itong pinaglalaban ko, pero, hindi ko lang talaga makuha. Anong silbi ng pagdiriwang ng 'araw ng mga puso' kung sa araw lang naman pala na iyon ka magiging sweet sa mga minamahal mo? Pakiramdam ko tuloy ay nagiging robot at matic nalang sa lahat na kapag February 14 ay kailangan nilang maging sweet. 
Nasaan ang sincerity doon hindi ba?

Powered by Blogger.