Archive for January 2016

Para Sa Ka-Forever Ko (kung magpapakita ka man sakin o kung meron man)

Para sa Future ko,


Hindi naman sa atat na atat na ako na makilala ka at di na ko makapaghintay sa pagdating mo, pero gusto ko lang talaga sabihin 'to lahat habang wala ka pa. Kasi hopeless romantic ako, oo na.

Sana pag nakilala na kita, ikaw na talaga ang huli. Ikaw na mismo yung nakaguhit sa kapalaran ko. Ang corny ba? Pasensya na ha. Sabi ko naman sayo hopeless romantic ako eh. Wala kasi akong ibang mapaglaanan ng pagmamahal ng matagal na panahon eh, hayaan mo na ko. Kaya nga swerte mo kaya, kasi yung pag-ibig na matagal ko ng iniimbak dito sa puso ko eh, mapupunta yon lahat sayo. Lahat lahat, sayo lang. Pinaghandaan ko kasi talaga yung pagdating mo. Wag ka sanang malunod sa sobrang pagmamahal ko hehe. Kahit sabihin nila na lahat ng sobra ay masama, sobrang pagmamahal ko lang ang exemption don, wag kang mag-alala.

Ang corny ko na naiinis na ko. Sana wag kang mairita sakin sa mga darating na panahon na patuloy akong magiging corny sayo, at clingy. Kasi i swear, clingy din naman ako minsan. Depende sa mood. At weird. At masungit. At moody. Pero mahal ka naman, okay na yon. Tiisin mo nalang sana ang kabaliwan ko. Pero mahalin mo din sana ako. Yung totoong pagmamahal sana. Saktan mo man ako, sana mas lamang pa din yung pagmamahal mo. Kasi sinisigurado ko naman sayong wala na kong ibang iisipin pang gawin, kundi ang mahalin ka lang ng totoo. Pangako yan. Mamahalin kita.

Tiyak na magkakaroon din naman ako ng mga pagkukulang, kasi hindi naman ako perpekto. At sa mga panahon naman na ikaw ang magkulang ay maiintindihan ko naman, pangako. Sa pagkakakilala ko naman sa sarili ko eh, hindi naman makitid ang utak ko at alam ko naman na may hangganan din ang lahat, na may kakayanang magkamali ang lahat.

Pero sana hindi makabilang sa mga may 'hangganan' ang ating pagmamahalan. Gusto ko kasi sanang makaranas na habambuhay na iniibig. Sana ikaw na ang magfulfill ng pangarap ko na yon. Wag mo sanang sayangin ang pagmamahal ko ha? Kasi sulit naman ang pagmamahal mo sakin eh. Oo kaya! ;)

So, paano? Ngayon palang, i'm looking forward na to our forever ha? Sana nagtake down notes ka sa mahaba kong lecture. Hahaha de joke lang. Wag. Ayoko ng scripted na pagmamahalan. Iba pa rin talaga kapag spontaneous ang bawat araw na kapiling kita. Yung tipong bawat sandali na may involvement ka sa araw ko eh sobrang special na non. Kahit hindi kita kasama, basta makausap lang kita, sobrang saya at special na non. Yung kahit pinakasimpleng bagay na pinag-uusapan natin eh parang napakahalaga na sakin. Ganon lang, masaya na ko non. Basta kasama ka. Masaya na ko non.

Mag-iingat ka lagi ha? Di pa tayo nagkikita eh. Hayaan mo, soon. Promise. Sa future. Basta maghanda ka na ha kasi pupunuin ko ang puso mo ng nag-uumapaw na kaligayahan at pagmamahal na walang makakapantay. Gosh, ang sweet haha. Sige, see you when i see you! :)


Love,
Future mo

Tula Na Hindi Naman Dapat Para Sayo

Kumuha na ako ng lapis at papel, umupo na sa silya sa harap ng lamesa

Sabay tingala sa kisame na tila naghihintay ng grasya

At kasabay nito ang pagtik-tak ng orasan na nakasabit sa may pintuan

Na nagmimistulang panira sa nakakabinging katahimikan sa aking paligid at isipan

Sampung minuto na pala ang nagdaan

Simula ng umupo ako rito at nang sa kisame'y nakipagtitigan

Sabi ko nga pala'y gagawa ako ng tula

Pero kasi, ikaw lang ang laman nitong isip na patuloy na inaalala

Hindi tuloy ako makapagsimula.

Ayan tuloy, ikaw na ang naging paksa nitong aking tula

Ngunit ayos lang naman, diba?

Tutal sabi naman ng aming guro, gumawa kami ng kahit na anong tula

Hindi kailangan na may bilang pa o tugma

Basta kahit ano raw, kung saan kami masaya

Kaya tamang tama lang pala na ikaw ang ginawa kong paksa

Kasi sayo naman ako masaya. Hindi na iyon kaduda-duda.

Oo, tama. Sayo nga ako'y sumasaya.


Kumuha na ako ng lapis at marami pang papel, umupo sa silya sa harap ng lamesa

Nagsimula na ulit magsulat kung gaano ako kasaya.

Hindi na kasi kasya sa isang papel lang eh. Kaya kumuha na ako ng marami.


Kung Paano Nagkasilbi Ang Waiting Shed

hindi naman sa lahat ng panahon nakakalungkot maghintay
lalo na kung mayroon namang waiting shed na handang umalalay
isang waiting shed na pananatilihin kang tuyo sa bawat ulan na bubuhos
isang waiting shed na handa kang bigyan ng lilim sa matinding sikat ng araw
isang waiting shed na tiyak na sasamahan ka sa iyong paghihintay

hindi man siya dumating,
nag-aksaya ka man ng panahon sa pag-aabang
ang importante'y hindi ka naman nagmukhang tanga
tangang naghihintay na mag-isa
tapos paano pa kung nasa gitna ka ng kalsada

buti nalang mayroong waiting shed

'di ka man niya naisalba sa kalungkutang hatid ng hindi nya pagdating
pinagaan naman nya ang paghihintay mo sa taong "hindi deserving"

l.n.t #4

This is so random. Please bear with me. I just missed messing with my late night thoughts.

"Can we make it real?"
"What are you talking about, this is real. This ain't a dream, dumbass."
"No I mean, you.. Me.. Us.. Let's make this real."
"Now tell me this is a dream. And you didn't ask me 'bout that."
Great. That just ruined everything. Rejection ruined everything. And when I say everything, that means everything. Idk pero feeling ko ang hirap na ulit ibuild up ng self-esteem ng isang tao pagkatapos n'yang mareject. Kasi, think about it. Let's say na ilang toneladang lakas ng loob yung inipon nung tao para lang sa iilang linya na 'yon, tapos mababaliwala lahat ng efforts nya? Damn. Kawawa naman. Para kang nabuhusan ng tubig na malamig nang kakagising mo lang.

Though 'di ko naman sinasabi na masamang tao yung nangreject kasi choice naman niya 'yon and karapatan n'ya rin na sumaya at pumili ng gusto n'ya syempre. Well, nagpabatid lang ako ng awa sa mga nareject at nakaranas ng ganong klase ng delubyo sa buhay.

At hindi ako nakakarelate. 'Di ko alam feeling non no. Duh.

close or open

Minsan hindi sa lahat ng pagkakataon, ginugusto natin na ibukas at ipakita sa lahat ng tao ang totoong tayo, ang totoo nating mga sarili, ang mga hinaing natin sa buhay, ang mga pinagdadaanan natin sa araw-araw, o ang mga pumapasok sa isip natin sa bawat minutong lumilipas. Kasi dito na papasok ang salitang privacy. Dahil alam naman nating lahat ang general rule of life; na may limitasyon ang ibang tao sa atin, at ganoon din tayo sa kanila. Kung kaya't hindi mo kakikitaan ng pagkanais ang isang tao na ipaalam sa buong mundo kung anong ginagawa nya kapag naliligo s'ya o kung ano pa mang ibang bagay.


Pero madalas kaysa minsan, sa panahon ngayon, sa henerasyon na kinabibilangan ko, madalas ay ang pagiging open pa ang ninanais ng mga tao. Imbis na maghanap sila ng privacy at piliing maging close ay tila mas ginugusto pa nila na maging open.

Mula kasi sa punto de vista ko, parang kapag naging 'open' ka, parang nagkakaroon ka na ng 'di maitatangging kalayaan sa lahat ng bagay. Parang sa ganoong paraan ay hindi mo iginagapos ang sarili mo sa isang tanikala, hindi mo ikinukulong ang sarili mo sa isang kahon at hinahayaan mo s'yang gawin kung ano man ang gusto nya, at kung saan s'ya lubos na masaya.

Parang binubuksan mo kasi yung sarili mo sa lahat ng oportunidad na posibleng mangyari. At nagiging positibo ka sa lahat ng bagay sa ganitong sitwasyon.

Oo, hindi malabong matake for granted ka dahil sa pagiging bukas mo sa lahat, pero hindi talaga matatawaran yung sayang hatid ng kalayaan na mapagtatagumpayan mo kung susubukan mong maging bukas sa lahat. Fulfilling.

Hindi mo naman kailangang pagtiwalaan lahat ng taong makakasalamuha mo. Kasi sa ganitong klase ng galaw---ang pagiging open, parang ang tanging constant na kakampi mo lang dito ay ang sarili mo. Hinahayaan mo nga silang makapasok at matuklasan ang nasa kabila ng matataas mong bakuran dahil nakakaramdam ka ng kalayaan, pero hindi ibig sabihin noon na hindi mo na pangangalagaan yung totoong ikaw.

Sa lahat kasi ng bagay, kailangang kailangan na magtitira pa rin tayo ng lugar at espasyo para sa sarili natin. Maging isa man tayong open book, o isang sikretong journal na may padlock pa.

Powered by Blogger.